Parang punyeta lang.
Parang punyeta lang, pag di mo na alam saan ka maniniwala. Kanino.
Ayaw mong magsinungaling, manloko, kasi alam mo at kilala mo yung pinaniniwalaan mo.
Pero bigla siyang mawawala, tapos pagtingin mo may isa pa siyang buhay.
Isang buhay kung san wala kang lugar.
Echepwera ka lang.
Kung san lahat ng pinaniniwalaan mo pang iba e basura sa paningin nila.
Lahat ng maganda sa’yo kinasusuklaman nila. Lahat ng mabuti, masama.
Ano ka ba?
Ano ba ako?
Sino ka? Ako?
Bakit ganun?
Tama pa ba ‘to?
Ano pa ang tama?
Ano pang pinagkaiba niya sa mali?
Alam mo pa ba kung ano ang tama sa mali sa sitwasyong ganito?
May tama at mali pa ba talaga?
…
Putangina lang sa sakit.
Wala ka nang mapagsabihan. Gago ka kasi e. Iniwan mo lahat.
Nasan ka na ngayon.
Nasan na kaligayahan mo.
…
Gusto ko magpinta.